Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Dahil sa patuloy na nararanasan ang malalaking alon sa
baybayin ng Boracay at Caticlan, nahihirapan naman ngayon ang mga bangkang
pang-cargo na maisakay ang mga karga na dinadala sa Boracay.
Bunsod nito, ang kooperatiba ng bangka sa cargo area ay umaapela
ngayon sa lokal na pamahalaan ng Malay na sana ay mapansin din ang kanilang
sitwasyon.
Kasabay nito ay humiling ang kooperatiba ng kahit isang pontoon
o nakautang na pantalan lamang na siyang magsisilbing tulay para daanan papunta
sa bangka na hindi din sila nababasa.
Ang apela ng kooperatiba ng cargoes na ito ay ipina-abot na
rin sa Sangguniang Bayan ng Malay, at humingi ng atensiyon kapalit din umano ng
kanilang binabayaran na buwis sa lokal na pamahalaan ng Malay.
Subalit nang ilatag palang ito sa konseho, tila kabiguan na agad
ang tugon dito.
Dahil sa pinansiyal kondisyon umano ng LGU Malay, na di
umano ay wala pang pondo na paghuhugutan para sa pontoon na ito.
Kaya sa ngayon ay mistulang malabo pa ang pagkakataon na
mapagbibigyan ito, pero hindi naman lubusan pang ibinasura ng konseho ang
bagay.
No comments:
Post a Comment