Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Inaasahang mababawasan na ang malakaldero at tila hard hat na
helmet na ginagamit ang mga motorista sa kalye sa Aklan.
Ito ay sa oras na isang daang pursiyento nang makapasa sa
gagawing inspeksiyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga helmet
dito.
Ito ang sinabi ni DTI-Aklan Director Diosdado Cadena sa
panayam dito kahapon, kasunod ng pagsisiyasat nilang ginagawa sa mga Helmet.
Kapag makapasa sa standard para sa safety, tinatatakan ito
ng DTI ng Import Commodity Certificate o ICC Sticker.
Ngunit aniya ang usaping ito ay nakadepende sa kung gaano ka
strikto ang Land Transportation Office o LTO sa pagpatupad sa “No Travel, No
Helmet” Policy.
Umaasa naman si Cadena na mangyayari ito, dahil para sa
kaligtasan naman ito ng mga motorista at kanilang mga angkas.
Sa ginagawa umano nilang pagsusuri na ito, maliban sa brand
ng mga helmet, tinitingnan din nila kung pwede pa ba itong gamitin, at kapag nakitang
hindi makakapasa sa assessment, ay hindi na tinatatakan pa ng ICC stricker ang
mga helmet na wala nang strap at may mga crack o sira na.
Layunin umano ng DTI ay masigurong kapaki-pakinabang pa ang
mga gamit na ito ng motorista upang mabawasan ang bilang ng aksidente na
napuputukan ng ulo.
No comments:
Post a Comment