Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Dahil sa mga nangyayaring insidente at kriminalidad sa
Boracay, binigyang pansin na ngayon ng SB Malay ang pagpapailaw sa madidilim na
bahagi ng isla, partikular sa mga access road katulad ng sa Mt. Luho sa
barangay Balabag.
Kung saan ang bagay na ito ay iginiit ni SB Member Wilbec
Gelito sa sesyon kahapon, lalo na’t may mga street lights na palpak at hindi
umiilaw sa gabi.
Bagay na pinuna ni Gelito ang mga naturang poste ng ilaw
kung papaanong hindi na ito napapakinabangan.
Samantala, kaagad namang nagsuhestiyon si Vice mayor Ceciron
Cawaling na kaagad tawagin ang atensyon ng barangay at ang komitiba ng turismo
tungkol dito.
Baka naman kasi, ayon kay Cawaling, ay ninanakaw na maging
ang kuryente ng mga streetlights na ito.
Matatandaang ang matagal nang hinaing ng mga residente at
turista tungkol dito ay inilatag kahapon sa sesyon bilang hamon ni SB Member
Welbic Gelito kung saan sinabi nitong kung nais umanong mapangalagaan ng
Boracay ang pagiging World’s Best Island nito ay kailangang bigyang pansin ang
seguridad ng isla laban sa mga kriminalidad.
No comments:
Post a Comment