Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Aminado ang Boracay Island Water Company (BIWC) na hindi maiiwasang
umapaw talaga ang sewerage ngayon maulan.
Ito ay dahil na rin sa kawalan ng drainage sa Boracay at
hindi pa rin maitatanggi na may mga illegal na nagkokonekta gayon din nagpa-pump sa sewer, ayon kay BIWC
Chief Operation Officer Ben Mañusca.
Aniya, sa pagkakataong ganito ang kooperasyon ng bawat
establishemento ang kailangan na kung maaari kapag may balak mag-pump ang isang
establishemento, ipag-bigay alam ito sa BIWC upang maalalayan ang mga ito at
matantsa din ang dami na tubig na mailalabas nila ng sa ganon ay hindi umapaaw ang
mga manhole.
Kaya hanggang sa ngayon ay nihinikayat pa rin ni Mañusca ang
mga establishementong ito na sumunod sa ordinansa na magkonekta sa sewer at wag
maglabas ng tubig mula sa mga palikuran sa drainage upang hindi maaapektuhan
ang buong kumunidad ng di kanais-nais na amoy.
Aminado din ito na mahirap para sa kanila ang makontrol ang
pag-apaw ng manhole, hiling nito sa publiko ay kooperasyon.
Nagdagdag na rin umano sila ng tao nila sa field upang
umaksiyon sa katulad na problema, at bukas naman sila sa mga malasakit o
concern na ipapaabot sa kanilang telepono.
Itinuro pa rin ng COO sa kawalan ng drainage ang problemang
ito sa sewer at gayon din ang illegal na koneksiyon.
Samantala, nangako naman ang BIWC na tutugunan ang problema
ng umaapaw na sewer na nararanasan sa Pinaungon Ibaba nitong umaga.
No comments:
Post a Comment