Walang dapat ikabahala ang mga stakeholder at lokal na
pamahalaan ng Malay at probinsiya kapag natuloy ang Boracay Island Council (BIC).
Ito ang nilinaw ni Aklan Representative Florencio “Joeben”
Miraflores kaugnay sa panukalang ipinasa nito na House Bill 4796 na magbibigay
ng titulo sa mga lot owners sa Boracay.
Aniya, ang Senado ay gumawa din ng Senate Bill na hango din
sa House Bill niya ng isumite ito sa kumitiba.
Lang ang kinaibahan ng panukala ng Senado, ay may Section
doon na nadagdag batay sa kahilingan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na
maglagay dapat ng Boracay Island Council sa isla.
Ang BIC na ito ay sa ilalim at pamumuno ng tanggapan ng
Pangulo ng bansa.
Pero ayon sa kongrisista, walang dapat ikabahala dito sapagkat
walang “take over” na mangyayari pagdating sa pamamahala sa Boracay, dahil ang
magiging miyembro ay ang mga opisyal din ng probinsiya, bayan at Barangay gayon
din may magmumula sa pribadong sector.
Ngunit ang kapangyarihan lang aniya ng BIC na ito ay siyang
taga gawa ng rekomendasyon para sa Senado at tanggapan ng Pangulo, kaya ang mga
miyembro ay walang “Police Power” na magpatupad kundi ang departamento tulad ng
Department of Environment and Natural Resources/DENR at Department of Tourism
(DOT) ang magpapatupad.
Subalit kahit papano sa paggawa ng desisyon, malaki pa rin
umano ang kontribusyon ng Lokal na pamahalaan dahil sila ang nakaka-alam sa
sitwasyon.
Ang bagay na ito ay inilatag ni Miraflores sa harap ng mga stakeholder
nitong Sabado, upang nakatulong sa pagdidisisyon niya, kung Senate o House Bill
ba ang pipiliin na i-adopt niya para sa Boracay batay sa reaksiyon ng mga tao dito
sa isla.
No comments:
Post a Comment