Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Sa halip na mga turista ang makikita sa West Cove, ang tinaguriang
Pacquiao Resort sa Boracay, mga sundalo, pulis at mga miyembro ng Malay municipal
auxiliary police ang naroon matapos isama ang mga ito ni Mayor John Yap.
Hindi upang ipasyal, kundi upang ipatupad ngayong umaga ang
isang demolition order laban sa nasabing resort.
Napag-alamang dalawang beses na pala itong pinadalhan ng
closure order ng alkalde dahil sa mga umano’y naging violation o paglabag nito.
Wala kasi umano itong mga kaukulang permit katulad ng
mayor’s permit, business permit, building at occupancy permit at maging ng
Environmental Compliance Certificate.
Samantala, iginiit naman ng may-ari ng naturang resort na si
Crisostomo “Cris” Aquino na may pinanghahawakan itong Forest Land Use Agreement
for Tourism Purposes o Flag-T, mula sa dating DENR Secretary Lito Atienza.
Kung kaya’t kampante ito sa paniniwalang ang kinatatayuan ng
kanyang resort ay hindi sa “no build zone”, dahilan upang magpasaklolo ito sa
pamamagitan ng Temporary Restraining Order, upang matuloy ang kanilang
operasyon.
Samantala, matapos ang umano’y patuloy na paglabag ng
nasabing resort katulad ng hindi na dapat nito pagdagdag ng anumang istraktura
doon, minarapat ngayon ni Mayor John Yap at ng DENR na ipatupad na ang nasabing
demolisyon.
No comments:
Post a Comment