Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Aminado si Municipal Agriculture Officer Anery Solano na pansamantalang
nilang itinigil ang paghuhuli sa mga asong pagala-gala sa kalsa sa buong bayan
ng Malay dahil sa nararanasang kakulangan sa gamit ng kanilang tanggapan.
Sa sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay, kasabay ng pag-amin
nito, nagpaliwanag si Solano sa mga konsehal kung bakit itinigil nila ang
operasyon ng dog catcher.
Kaugnay nito, inilatag din niya ang mga problema nila sa
kaniyang tangapan kabilang na ang, di umano ay hindi ka nais-nais na sitwasyon
ng dog found o selda na pinaglalagyan ng mga nahuling galang aso, sira at
walang driver na nagmimentina sa
sasakyan gayon din hindi aniya maayos ang daan patungo sa dog found.
Bunsod nito nagpahayag naman ng kahandaan ang konseho na
tumulong sa mga suliraning dinaranas ng Municipal Agriculture Office.
Si Solano ay pinatawag sa sesyon ng SB dahil na rin sa
reklamo ng ilang Barangay na umano ay marami paring mga aso ang gumagala na
siyang kalimitang pinagmumulan ng aksidente sa kalye, madalas na nagkakalat ng
dumi sa kung saan at naghahabol at nanga-ngagat
pa.
No comments:
Post a Comment