Pages

Friday, July 27, 2012

Enclosure ng mga bar sa Boracay, ipapatupad na simula ngayong Agosto


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Isang linggo na lang at ipapatupad na ang enclosure sa lahat ng Bar sa Boracay, bilang pagpapatibay sa pagbabawal at implementasyon may kinalaman sa Ordinansang Noise Pollution sa isla.

Ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, ngayong a-uno ng Agosto ng kasalukuyang taon ay ipapatupad na nila ang bagay na napagkasunduan ng LGU Malay at mga Bar operator at owners.

Ito ay gawing sarado o sound prop na ang gusali ng kanilang establishsmento para makaiwas sa subrang lakas na tugtog na nakakapagbulahaw sa mga nagmamahingang turista.

Ayon kay SacapaƱo, nakita naman nito ngayon na ginagawa naman ng may-ari ng bar sa Boracay ang kanilang bahagi para tumalima sa kanilang pangako sa lokal na pamahalaan ng Malay na walang na halos ingay na lalabas sa kanilang establishsmento lalo na sa hating gabi.

Kung hindi naman aniya natupad ng mga ito na isarado ang gusali ng kanilang bar, mapipilitan na umano ang LGU Malay, na ipatupad na hanggang alas dose lang ang operasyon ng mga bar na ito.

Samantala, ang mga tumalima sa kasunduan ay kahit magdamag aniya ang operasyon, ang mahalaga ay walang ingay na madadala sa mga nagpapahinga nang indibidwal.

Kaugnay nito, inihayag naman ng Administrador na napadalhan na rin nila ng sulat upang paalalahanan ang mga bar operator at owners hinggil sa implementasyong ito. 

No comments:

Post a Comment