Pages

Wednesday, July 18, 2012

Mga nakawan sa mga resort sa Boracay, dapat ireport sa Barangay! --- Admin. Sacapaño


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Dapat i-report sa barangay ang mga insidente ng nakawan sa mga resort o establisemyento sa Boracay.

Ito ang iginiit ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño sa panayam nitong umaga, tungkol sa mga halos magkakasunod ng insidente ng nakawan dito sa isla.


Bagama’t dapat umano talagang magreport sa mga pulis tungkol sa mga kahalintulad pangyayari, sinabi ni Sacapaño na nararapat ding magreport sa barangay upang ito’y mag-usapan.

Nagkakapagtaka nga naman umano kasi na nananakawan pa ang isang resort kahit may mga guwardiya naman.

Dagdag pa nito,kanya ring ibinalik ang hamon sa mga resort kung talaga nga bang kinikilatis ng mga ito ang mga nagtatrabaho sa kanila.

Hindi naman umano kasi lahat ng mga nagtatrabaho dito ay kumukuha ng clearances mula sa barangay at maaaring naghihintay lamang ng pagkakataon.

Maliban dito, naniniwala rin si Sacapaño na may mga nangyayari ngang inside job sa loob mismo ng mga resort o establisemyento sa Boracay.

Kung kaya’t payo nito sa mga guwardiya at mga establisemyento ay mag-team work upang maiwasan ang mga nasabing insidente.

Kaugnay nito, nangako naman ang naturang administrador na pag-uusapan nila sa Boracay Action Group ang bagay na ito. 

No comments:

Post a Comment