Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Ang mga salitang “I do” at “till
death do us part” na hindi nabigkas at narinig sa loob ng maraming taong
pagsasama ay naisakatuparan.
Ang mga salita ring ito ang
binitiwan ng may isang daa’t animnapung ngayo’y opisyal nang mag-asawa.
Noong Sabado, Hunyo 30, inilunsad
ang isang Kasalang Bayan bilang proyekto ni Mayor John Yap at asawa nitong si Abigail.
Matapos ang misang inalay ni
Rev. Fr. Anthony Jismundo ng St. Joseph the Worker parish sa Malay para sa
nabanggit na okasyon ay ikinasal naman ng naturang alkalde ang 162 na pares na
pawang residente ng Malay at Boracay.
Napag-alamang karamihan sa mga
ikinasal ay mahigit limang taon nang nagsasama bilang mag-sawa, subali’t
nabiyayaan na ng mga anak ay hindi parin nakapagpakasal.
At dahil libre, dinagsa naman
ito ng mga mag-live in partner, at nagpakasal sa mismong covered court ng
Poblacion, Malay.
May mga babaeng nagsuot ng
trahe, habang nanatiling simpleng puting damit pangkasal naman ang iba.
Ang iba nama’y minalas na hindi
natuloy ang kasal, dahil sa natuklasang may sabit pala ang kanilang magiging
mister.
Matapos ang simpleng seremonya,
ay may inihanda pang konting salu-salo ang alkalde, at namigay ng alkalde ng
cake sa mga bagong kasal.
Ang nasabing Kasalang Bayan ay
isinakatuparan ng mag-asawang mayor John Yap at Abigail, kasama ang Malay
Registrars Office.
No comments:
Post a Comment