Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Walang gatol na inamin ng bagong Hepe ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) na si P/Insp. Al Loraine T. Bigay na wala nang
natatangap pa na financial support mula sa nasyonal o higher headquarters ang
himpilang ng pulisya sa isla simula pa noong Disyembre 2011.
Ayon sa hepe, sa kasalukuyan ay hindi pa nila alam kung ano
talaga ang estado ng buwanang suporta na ito para sana sa gastusin sa operasyon
ng BTAC, kung ibibigay pa ba ito o hindi na.
Gayon pa man, sinabi nito na ang Maintenance and Other
Operating Expenses (MOOE) mula sa Regional Office at lokal na pamahalaan ng
Malay ang ginagamit nila sa ngayon.
Ang natatanggap umano nilang pinansiyal na tulong na ito ay
siyang pinagkakasya naman sa bawat araw na gastusin ng BTAC.
Bunsod nito, apektado ayon kay Bigay ang transportasyon
kapag nagdadala sila ng suspek sa Prosecutors Office sa bayan ng Kalibo para
pormal na masampahan ng kaso.
Kaya minsan ay personal na umano nilang pera ang ginagamit
nila lamang magampanan nila ang kanuilang tungkulin.
Si Bigay simula ng maging hepe ito ng BTAC kapalit ni
C/Insp. Christopher Pangan epektibo nitong Mayo 25, ay noong Martes ng umaga lang
nakapag-courtesy call sa Sangguniang Bayan ng Malay kasabay ng isinagawang
regular session ng konseho.
No comments:
Post a Comment