Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Inaasahan na ng Sanggunaing Bayan ng Malay ang pagdalo ng mataas
na opisyal ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa
susunod na sesyon para masagot na ang lahat ng mga katanungan kaugnay sa Drainage
System ng Boracay.
Sapagkat nagpadala na ng sulat sa konseho si TIEZA General
Manager Mark Lapid para sa pagbago sa iskedyul ng pagdalo nito sa sisyon
makaraang padalhan ito ng imbitasyon para sana sa ginanap na regular session ng
SB kamakalawa, Mayo 22.
Ngunit dahil sa may napangakuan na umano si Lapid na commitment
kamakalawa kung kaya hindi ito nakapunta sa Malay.
Pero sa pagkakataong ito, mismong si Lapid na ang humiling
na i-re-schedule ang pagdalo nito sa darating na a singko ng Hunyo, sa susunod
na sesyon.
Layunin ng imbitasyon ng konseho sa Manager ng TIEZA ay
upang mismo ang mataas na opisyal na ng TIEZA ang makadalo para mailatag ng Sanggunian
ang kanilang mga katanungan kaugnay sa drainage system ng Boracay.
Ito ay dahil sa nais makakuha na rin ng matinong sagot kung
kaylan na sisimulang ayusin ang strakturang ito sa isla na matagal ng problema.
Matatandaang ilang beses na ring naipatawag ng SB ang TIEZA
at ilang beses na rin na nagpadala ng representante para sumagot.
Ngunit hindi nakuntento ang konseho sapagkat limitado lang
din ang mga sagot ng taong ipinadala ng TIEZA, sa rasong hindi umano sila ang
makakapagdesisyon, lalo na kung ang tanong ay may kinalaman kung kaylan gagawin
ang proyektong ito.
No comments:
Post a Comment