Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bagamat may moratorium epektibo ngayong Hunyo sa lahat ng
uri ng sasakyan na ipapasok sa Boracay, mariing nilinaw ni Cezar Oczon,
Transportation Officer ng Malay, na hindi kasama o saklaw ng memorandum na ito
kung ang sasakyan ay replacement lang
naman.
Sapagkat layunin di umano sa pagkasa ng moratorium na ito ay
upang nakontrol ang pagdami, at mabilang ang mga sasakyang naririto na sa isla,
para maiwasang madagdagan pa.
Kaugnay nito, habang epektibo pa ang kautusang ito ng
Alkalde, sa panahon aniyang ito isasagawa nila ang inventory sa lahat ng mga
sasakyan sa isla.
Kung saan sa tulong ng Barangay at Municipal Auxiliary
Police MAP, lalo na ang pag-usisa kung may mga parking area nga bang nilaan
talaga sa mga behikulong ito, gayong isa ito sa requirements bago sila nabigyan
ng permit ay siyang sisilipin din nila.
No comments:
Post a Comment