Pages

Tuesday, May 08, 2012

Sa pagbubukas ng klase, mga magulang, pinayuhan ng DepEd Aklan

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Marahil dahil sa hindi dumadalo sa mga pulong na ipinapatawag ng paaralan ang dahilan kung bakit may mga magulang na nagrereklamo sa pamamalakad ng isang paaralan”.

Ito ang isa sa rason na kita ni Ginang Virginita Nabor, Private School Coordinator ng Department of Education DepEd Division ng Aklan sa panayam dito.

Naniniwala ito na walang lakas ang isang paaralan na magpataw ng kung anumang bayarin o magkaroon ng isang aktibidad kung wala itong pahintulot mula sa mga magulang ng mag-aaral.

Aniya, ang anumang aktibidad o desisyon na makakaapekto sa magulang at estudyante at kung hindi napapagkasunduan o napag-usapan ang pamunuan ng paaralan at mga magulang ay hindi naman mangyayari o ipapatupad.

Bunsod nito, payo ni Nabor sa mga magulang ngayong magbubukas na pasukan na bisitahin din kahit papano ang eskuwelahan ng kanilang mga anak para masigurong maayos ang kalagayan at mabatid ng mga ito ang mga kaganapan sa paaralan katulad sa pagdalo sa pulong.

Ang pahayag na ito ni Nabor ay matapos lumabas ang usapin ng pagtataas sa mga singil sa matrikula sa mga pribadong paaralan sa Aklan.

No comments:

Post a Comment