Bago pa man
lumihis ang ihip ng hangin sa Boracay mula sa Amihan papuntang Habagat, nasimulan
na ngayon sa Barangay Manoc-manoc ang pagsasa-ayos sa dadaanan ng mga pasahero
mula sa Tambisan Port papunta sa sentro ng isla.
Sa panayam
nitong hapon kay Manoc-manoc Punong Barangay Abram Sualog, inihayag nito na sa
kasalukuyan ay nilinis na nila ang daan, partikular na ang mga maaring sagabal
sa daan sa main road, lalo na ang mga pwestong nakalatag at halos na usli na sa
main road.
Ayon kay
Saulog, inabisuhan na nito ang mga may-ari ng mga pwestong ito na tanggalin ang
mga istrakturang ito, dapat ay at magkaroon ng set back na may layong 1.5 meter
mula sa main road.
Maging ang mga
lubak-lubak na daan papasok sa Tambisaan Port ay pansamantalang pinapatambakan
na aniya nila para maging maayos naman ang biyahe ng mga pasaherong dumadaan
dito lalo pa at pagpasok ng buwan ng Hunyo ay mararamdaman na ang Habagat
Season at ang Tambisaan na ang magsisilbing entry at exit area ng Boracay.
Wow, bilib ako good job Kap Sualog..
ReplyDelete