Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Wala umanong pagkanselang nangyari sa mga international
flight o direct flights papuntang Kalibo mula China at Taipei Taiwan.
Ngunit inihayag ni Percy Malonesio, Administrator ng Kalibo
International Airport (KIA), na ramdam na rin umano sa palipiran ang pagbaba ng
bilang ng mga turistang Chinese papuntang Boracay dahil bahagayang humina ang
pagpasok ng mga Tsino sa KIA.
Sinabi din ni Malonesio na mayroong pagbabago sa oras at
bilang ng mga lumalapag na eroplano mula Hongkong, China Taiwan at iba pa,
dahil ang nangyayari aniya ay wala naman regular ng schedule ang mga ito dito
sa KIA.
Mga chartered din lamang ang mayroon, kaya naka-depende sa
dami ng pasahero ang paglapag ng mga eroplanong ito sa paliparang ito.
Ganoon pa man, aminado ito na nagbawas nga talaga ng biyehe
ang ibang airline company kung saan dati ayon dito ay halos umaabot sa labin
tatlo ang flights pero bumaba na ito ngayon.
Naniniwala naman ang adminstrador na walang koneksiyon sa
isyu ng China at Pilipinas ang pagbawas ng flights dahil ginawa umano ito bago
paman ang travel advisory ng China Government sa kanilang mga kababayan na may
balak magbakasyon sa bansa.
Samantala, sa susunod pang mga araw, posibleng at aasahan umano
ang pagbaba ng bilang nga mga Tsinong turista.
Ngunit sa kasalukuyan ay maganda pa umano ang relasyon nila
ng mga airline companies at batay sa mga pag-uusap nila ay wala pa naman
umanong binabanggit ang mga ito na magkansela ng flights patungong Kalibo.
No comments:
Post a Comment