Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kung alam naman umano ng mamimili na peke ang kanilang produkto
binibili, kahit ito’y branded na ipinagbibili sa murang halaga.
Wala umanong problema sa bagay na iyon ayon kay Department
of Trade and Industry (DTI)Aklan Director Diosdado Cadena.
Maliban na lamang umano kung ang produktong ibinibenta ay
peke na ngunit ipinagbibili pa sa mahal o kaparehong presyo sa original at naluko
ang isang mamimili, iyon di umano ang klarong paglabag sa karapatan ng mamimili.
Pero kapag nakita naman agad aniyang mura at nabibili ng tag
isa o dalawang daan na klaro ding peke lamang, gayong alam naman ng bumibili na
ang original nito nagkakahalaga ng libo, walang pandaraya aniya sa ganitong
sitwasyon.
At bagamat aminado si Cadena na hindi talaga pwedeng gamitin
ang pangalang ng isang brand.
Pero ito na umano ang realidad ngayon lalo pa at ang
Pilipinas ay miyembro ng World Trade Organization (WTO) kaya madaling makapasok
mga produktong peke katulad nito mula sa China.
Ngunit hindi aniya ibig sabihin nito ay kinukunsinte na nila
ang gawaing ito.
Kaya naman, bilang paghahanda umano sa ganitong pagkakataon,
dapat ay maging begelante ang mga mamimili at may sapat na edukasyon sa mga
pruduktong kanilang binibili.
No comments:
Post a Comment