Aminado si Jetty Port
Administrator Nieven Maquirang na wala talaga silang lane na inilaan na para lamang
sa mga senior citizen at mga may kapansanan o disabled na indibidwal sa loob ng
passenger terminal.
Ito ay para hindi na aniya makipag
tulakan sa pila sa ibang pasahero doon.
Paliwanag ni Maquirang, wala na
umano silang sapat na lane para sa mga may kapansanan dahil sa maliit lamang ang
lugar sa Jetty Port.
Pero sa kabilang banda, nag-habilin
umano siya sa mga guwardiya ng Jetty Port na kapag may nakita silang pasaherong
may kapansan, matanda na o may bitbit na bata, ay bigyang priyoridad at huwag
nang papilahin pa kasabay ng iba, at sa halip ay tulungan na lang upang hindi
na maipit pa sa pila.
Samantala, sa mga nahihirapan
naman aniyang maglakad, may tatlong wheel chair naman sila ayon kay Maquirang,
na pwedeng magamit para sa mga nangangailanagan.
Ang pahayag na ito ni Maquirang ay
kasunod ng napapa-ulat na may ilan sa mga pasaherong may kapansan at matanda
ang pumipila pa rin at nakikipag-siksikan sa mga pasaeho sa Caticlan Jetty
Port.
No comments:
Post a Comment