Kung ang waste water sa Boracay ay umaapaw na sa mga manhole
kasabay ng pagdami ng mga tao ngayong summer season sa Boracay, ang basura din
sa isla ay nakakalula na rin sa dami.
Nabatid mula sa rekord ng Material Recovery Facilities (MRF)
Balabag na simula ng pumasok ang Summer Season ay hindi na bumababa pa sa 22 truck ng basura ang dinadala doon araw-araw para sa tamang pagsasa-ayos at
pagtatapon, kung saan dati aniya ay pinaka-mataas na ang 18 truck ng basura ang
nahahakot kada araw.
Plastic bag o supot, mga plastic containers at Styrofoam cup
umano ang pinakamaraming basurang nakukolekta nila sa araw-araw na operasyon,
ayon kay Jing Franscisco.
Bunsod nito, para hindi na maantala ang koleksiyon ng MRF at
maabutan pa ng mga turista ang basura sa front beach, inagahan na nila ang pangungolekta
kung saan 3:30 pa lamang ng madaling araw ay inu-umpisahan na umano nila ito
gayong dapat ay alas -4 pa sana ito gagawin.
Samantala, sa kasalukuyan ay may apat na truck na umano ang
MRF na ginagamit para sa paghakot ng basura ng Balabag araw araw maliban pa sa mga pribadong truck ng
malalaking establishemento dito na naghahakot at nagdadala din ng basura sa
MRF.
No comments:
Post a Comment