Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Aminado si Bidiolo Salvador, OIC Provincial Officer ng
Department of Labor and Employment o DOLE-Aklan, na marami nang aprehensiyon
ang mga empleyado sa Boracay.
Kaya nagpahayag ito ng kahandaang bukas ang kanilang opisina
na tumanggap ng mga reklamo, lalo pa ngayong pinapalakas na nila ang sistema ng
DOLE na Single Entry Approach o SENA.
Layunin umano ng sistemang ito na maiwasan nang humantong pa
sa korte o kaso ang problema ng employer at empleyado.
Dahil sa sistemang ito ay maaayos na ang suliranin sa loob
ng tatlompung araw.
Nilinaw din nito na ang SENA ay hindi kaso, sa halip ito ay
tulong o assistance lamang sa mga empleyado na may problema sa employer, para
ang DOLE na mismo ang magpapatawag sa employer at maglalatag kung ano amg
suliraning dinaranas ng isang empleyado.
Samantala, ang sistemang ito ayon kay Salvador ay malaki ang
maitutulong sa mga empleyado sa Boracay, sapagkat hindi na kailangan pa ang
abogado at hindi na dumaan pa sa mahabang proseso.
Pero sinabi nito na mahalaga parin aniya kung personal
talagang magpa-abot ng kaniyang reklamo sa tanggapan ng DOLE ang empleyadong
apektado.
No comments:
Post a Comment