Pages

Tuesday, April 10, 2012

Pulu-pulotong na turista sa Boracay, inaasahan pa sa susunod na araw.


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi na mahulugang karayom ang front beach ng Boracay dahil sa dami ng mga turista lalo na sa pagsapit ng hapon.

Katunayan ang mga pampublikong sasakyan ay mistulang kulang pa maging ang mga resort, dahil halos dalawa at isang buwan pa bago sumapit ang Abril ay full booked na rin.

Ito’y sa kabila ng pagkaka nasyunal TV ng Boracay kamakailan lang at ipinakita ang ilan sa hindi kagandahang bahagi ng isla.

Gayunpaman, nabatid mula sa pamunuan ng Municipal Tourism Office sa Caticlan na bagama’t kahapon ay hindi pa ganon karami ang bisita sa isla batay sa naitala nila.

Inaasahan umanong bukas at sa Biyernes ay sabay-sabay at dadagsa na naman ang mga turistang ito sa pantalan.

Kaugnay nito, nagpa-alala si Island Administrator Glenn SacapaƱo sa publiko na pag-ingatan ang kani-kanilang mga gamit at huwag hayaan lalo na ang mga nasa bar dahil kapag nalalasing ay madalas nabibiktima, gayundin sa mga magulang na may mga anak dahil baka mawala ang mga ito.

Samantala, kasabay ng pagdagsa ng mga turista ang pangangailangan sa mga pasilidad katulad ng pampublikong palikuran sa isla.

Kung kaya’t ayon kay SacapaƱo, inaayos na nila ito, katunayan ang nasa boat station 3 ay pwede na umanong gamitin sa ngayon. 

No comments:

Post a Comment