Pages

Tuesday, April 10, 2012

Mga party at event sa Boracay, tuloy pa rin kahit Biyernes Santo


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi apektado ang bagong bansag ng Boracay na Party Island ng Asia.

Dahil kahit Biyernes Santo, tuloy pa rin ang mga event o aktibidad sa isla, kaya mistulang hindi maaapektuhan ang mga party goers sa darating na Biyernes habang ang ilang bakasyunista ay nagninilay-nilay.

Nilinaw ng administrador na mariin nilang ipapatupad ang batas o ordinansa sa paglimita ng ingay na maaaring madala ng mga establisemyentong sa isla katulad ng mga disco bar.

Pero pagdating sa itinakdang oras na naaayon sa batas na tuwing Biyernes Santo pagdating ng alas dose ng hating-gabi ay dapat bawasan na ang lakas ng tugtog at hanggang alas dos lang.

Aniya, ang mga alituntuning katulad nito ay batid na rin umano ng mga organizer ng events sa Boracay, kaya umaasa si SacapaƱo na susunod din ang mga organizer na ito.

Ito’y upang bigyan din ng pagkakataong makapagnilay-nilay ang iba lalo na at ilang oras lang naman ito at sa araw ng Sabado ay balik na sa normal ang lahat.

Nabatid din mula kay SacapaƱo na taong 2009 pa ipinatutupad ang ordinansang katulad nito.

Samantala, inihayag din nito na hanggang sa ngayon ay marami pa ang pumipila at kumukuha ng permit para sa mga event sa Boracay lalo na at summer season na.

No comments:

Post a Comment