Kasabay ng pagdami ng bilang ng mga turista sa isla ngayong
summer season, tumaas din ang water waste mula sa mga establishimiyento dito,
kaya naging sanhi ng pag-over flow o pag-apaw ng manhole ng sewerage system ng
Boracay Island Water Company (BIWC).
Kasunod nito, aminado naman si Acs Aldaba, Customer Service
Officer ng BIWC, sa problemang katulad nito dahil sa natatanggap aniya nilang
kaliwa’t kanang reklamo dahil sa umapaw ang manhole sa Main Road Station 3 sa Manoc-manoc
at sa area ng Angol.
Bunsod nito, dumoble na rin umano ang serbisyo nilang
ginagawa para makontrol ang pag-apaw ng sewer.
Batid umano nila na delikado ito kapag umabot sa front beach
at nakakahiya naman sa mga turista ang eksenang ito sa main road.
Dahil dito, ayon kay Aldaba, panay ang monitor at pagtanggal
nila sa laman ng manhole sa kanilang pumping station sa lugar na tinutukoy at
pinapasipsip nila ang tubig na umaapaw sa main road na nagmula sa sewer.
Dagdag pa nito, natukoy na umano ng BIWC kung anong establishimiyento
sa lugar na ito ang nagpa-pump papunta sa sewer na isa rin sa mga rason kung
bakit mabilis mapuno ang daanan ng sewerage system. Naki-usap na rin aniya sila
sa mga ito kung maaari ay iwasan na itong gawin para hindi na umapaw pa ang manhole.
Sa ngayon, maituturing naman umanong seryosong problema ito
sa bahagi ng BIWC.
Matatandaang nitong nagdaang Biyernes at Sabado ay umaapaw
muli ang manhole sa main raod na nagdadala naman ng hindi nakais-nias na amoy
sa mga dumadaan dito maliban pa sa tubig na lumalabas dito at na-ipon sa
kalsada.
Kelangan lang talagang magkaroon ng mas magandang sistema hindi lang pagdating sa sewerage system ng isla kundi sa lahat ng sistema sa buong isla. Ok lang para sa mga turista at sa mga hindi naka-pirme sa Boracay, pag alis nila maiiwan sa isla ang mga problema ng isla. Pero pano naman yung mga residente sa isla?
ReplyDelete