Bagama’t may ilang katanungan si Vice Governor Gabrille Calizo-Quimpo at
Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan at SP Member Rodson Mayor kung
papaano nalang umano ang mga maliit na establisemyento komersyal sa Boracay na
hindi kakayanin ang pagbili ng CCTV Camera para sa kanilang mga
establisemyento, nailusot at pribado pa rin ng SP ang ordinansa sa Boracay na
nag-uutos sa mga stake holders sa isla na dapat ay maglagay ng kani-kanilang
CCTV camera para sa seguridad ng lahat lalo na ng mga bisita.
Maliban dito, kinatigan din ng SP ang isinulong na batas ng Sangguniang
Bayan ng Malay na naglalayong maglagay ng CCTV sa mga High Risk na lugar sa
Boracay.
Ito ay dahil naniniwala ang mga miyembro ng SP na malaki ang maitutulong
nito para maiwasan ang mga masasamang loob sa kanilang mga balakin.
Matatandaang ang ordinansang ito ay ipinasa ng SB Malay kung saan sa
pag-rebyu naman ng SP ay inaprobahan ang ordinansang ito kaya maaari nang
ipatupad.
No comments:
Post a Comment