Dalawang araw nang nagsasakripisyo ang mga kunsyumidor ng Akelco sa
Boracay dahil sa patay-sinding suplay ng kuryente dito.
Ayon kay Ansing Samson, Lineman ng Akelco Boracay, nangyayari ito dahil sa
nagkaroon ng problema ang linya ng National Grid Corporation of the Philippines
na siyang daluyan ng suplay ng kuryente mula sa supplier at ang resulta ay
panay din ang kurap ng kuryente.
Kung kaya’t nararanasan ang katulad na pangyayari at nasira ang ilang de
kuryenteng kagamitan ng mga kunsyumidor.
Bagay na kinumpirma ni Engr. Arnaldo Arboleda ng Akelco Boracay sub-station
ang bagay na ito.
No comments:
Post a Comment