Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Kung nababahala ang LGU Malay, mga opisyal ng barangay sa
Boracay at mga stakeholder dito sa balak ng ilang gabinite ng Pangulo ng bansa
na pumasok sa isla para tumulong sa pagsasaayos ng Boracay.
Taliwas naman dito ang pahayag ni Atty. Allen Quimpo, legal
adviser ng probisiya at dating Kongresista ng Aklan.
Ayon kay Quimpo, walang masama sa balak na ito ng gobyerno-nasyonal,
dahil ang ang local na pamahalaan at nasyonal ay dapat talaga umanong “partner”
para maisakatuparanan ang mga adhikain para sa Boracay.
Naniniwala ito na katulad sa naunang nangyari, na bumuo ng
Task Force Boracay ang Probinsiya at nasyonal.
Pero pamahalaan ng Malay pa rin umano ang pamumuno sa lahat
dito, at katuwang lamang ang nasyonal.
Kaya sa pagkakaintindi aniya nito, hindi naman ibig sabihin
ng balak na ito ng nasyonal ay may “take over” nang mangyayari, dahil LGU parin
ang pagpapatakbo ng bayan o isla.
Matatandaang una nang napabalita na ang kahilim ng
Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism, at
Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nag-uusap na para
bumuo ng Task Force para matutukan ang Boracay.
Subalit, ayon naman kay Malay Mayor John Yap, nababahala
sila na baka katulad ng dati ay magkaroon ulit ng gulo ang lahat.
No comments:
Post a Comment