Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Labis-labis ang pasasalamat ngayon ni Aklan Governor Carlito Marquez sa Sangguniang Bayan ng Malay, dahil sa binigyan na rin ng konseho ng pag-endorso ang proyektong 2.6 hectar na reklamasyon sa Caticlan.
Aniya, malaking tulong ang resulosyon ng pag-endorsong ito ng SB para maka-usad na rin ang nakabinbin na proyekto, lalo at problema talaga ang masikip na rea ng Caticlan Jetty Port, gayong lumulubo na rin bilang ng turista sa Boracay kung saan ang nasabing pag-endorso ay napakagandang balita umano sa bahagi ng pamahalaang probinsiya.
Bunsod nito, umaasa si Marquez na mas mapapabilis na ngayon ang pagdisisyon ng Supreme Court para bawiin ang Temporary Environmental Protection Order (TEPO) laban sa proyekto.
Samantala, dahil sa ginawang pag-endorso na ito ng SB Malay sa 2.6 hectares na reklamasyon sa Caticlan.
Naniniwala naman ang gobernador na pinasaya ng Konseho ang mga negosyante sa Boracay dahil malamang ay ikinatutuwa aniya ito ng mga stakeholder sa para mabigyan na rin ng maayos na serbisyo at pasilidad ang mga turista.
No comments:
Post a Comment