Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Buong buwang kampaniya ang ikinasa ngayon ng Bureau Fire Protection Boracay para sa mamamayan ng Malay at isla upang makaiwas sa sunog kasabay ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.
Ayon kay Inspector Joseph Cadag ng BFP-Boracay, buong bayan ng Malay ang iikutin nila para bigyang paalala at ipabatid sa publiko kung papano makakaiwas sa sunog.
Inaasahang magkakaroon din umano school campaign, Poster at Slogan Contest sa mga paarang sakop ng bayang ito at magiging tampok ang temang: “Makiisa, maki-alam at makipagtulungan upang sunog ay maiwasan”.
Maliban dito, mamimigay din ng fire extinguisher para sa tatlong tanggapan ng Barangay sa Boracay, ang Balabag, Yapak at Manoc-manoc ang BFP.
Gayon din, magkakaroon aniya ng blood letting activity, at pagsasanay sa kuminidad para sa turuan sa pagsugpo ng sunog sa iba’t ibang Barangay ng Malay.
Samantala, naki-isa naman ang Boracay Island Water Compamy sa kampaniyang ito ng BFP.
Katunayan ngayon umaga ay pormal na ibibigay na sa mga bumbero sa isla ang Fire Hydrant na proyekto ng BIWC upang makatulong sa mga ito sa pagsugpo ng sunog.
No comments:
Post a Comment