Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Pabahay para sa mga empleyado ng pamahalaan at benipisyo
para sa lahat ang dala ni Vice President Jejomar Binay sa pagbisita nito sa
bayan ng Kalibo para makipagdiwang sa mga Aklanon sa Ati-atihan.
Sa kanyang talumpati, kahalagaan ng Pag-Ibig Fund at ang mga
benipisyo nito ang ipinaliwanag ng Pangalawang Pangulo ng bansa, kasama na rin
si Atty. Darlene Marie Berberate, CEO ng Pag-ibig.
Ayon kay Binay, tatlongpu’t-siyam na bayan mula sa Aklan,
Antique at Capiz ang pumasok sa kasunduang ito, kasama na ang lahat ng mga job
order ng nagtatrabaho sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan, ay ipa-rehistro
na sa Pag-ibig upang ang mga empleyadong ito ay makatikim din ng benipisyo.
Maliban dito, sinabi rin ng huli walong bayan ang mabibigayn
ng programang pabahay dito sa Aklan na labis namang ikinatuwa ng mga alkalde ng
probinsiyang ito.
Naging sentro din ng talumpati ni Binay ang kaniyang
paghayag sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na halalan at ang
kaniyang maaga pangangampaniya.
Samantala, nagbigay babala si Binay sa mga Aklanon na kung
maaari ay mag-ingat sa pagtitwala sa mga recruiters dahil naglipana na ngayon
ang mga manloloko.
Kasabay nito ay sinabi din ng Bire Presidente na ang mga OFW
sa ibang bansa na dumaranas ng suliranin ang priyoridad nito sa ngayon ayon sa
pangalawang pangulo.
No comments:
Post a Comment