Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hindi na nirerespito ang mga traffic signage na ipinakalat
sa mga kalye, na kung iispin ginastusan ito ng lokal na pamahalaan ng Malay
para sa siguridad at kaligtasan ng publiko lalo ng mga sasakyan sa kalye.
Ito naman ang ipinaabot na sentimeyento ni SB Member Jupiter
Gallenero, Chairman ng Committee on Pulic Safety and Accountability, kung saan
kasama sa mga sintiyementong ipinaabot ng ilang pa nitong kasamahan sa konseho.
Bagay na hiniling nito na sana ay bigyang pansin na rin sana
para maipasunod at maipatupad ang nakalatag sa mga sinage na ito.
Maliban dito, bahagi din ng opening salvo at dagdag sa
listahan ng Sangguniang Bayan ay ang proposisyong magkaroon na rin ng fire
truck sa mainland ng Malay ayon kay Gallenero.
Bagay ng kwenisyon naman ng ibang miyembro ng konseho, dahil
kapag may fire truck, nanga-ngailangan din aniya ng fireman o bombero gayon din
ng himpilan o gusali para sa mga ito.
Subalit pasimpleng bumanat si Gallenero, sa pagsasabing, ”kailangan
pa aniyang antaying magkasunog bago magkaroon ng bombero”.
Dahil dito, inihayag ni SB Member Rowen Agguire na titingnan
nito sa pundo ng LGU kung kakayanin ng local na pamahalaan ng Malay na makabili
ng fire truck para sa mainland.
Paliwanag kasi ni Gallenero, kailangan din ito sa mainland
upang maiwasan ang pagkawala o pinsala sa mga ari-arian at buhay ng tao dala ng
matagal na pagresponsde sa sunog.
Bilang tugong, sinabi ni vice Mayor Ceceron Cawaling na
ipapaabot nito ang nasabing usaping sa Punong Ehekutibo.
No comments:
Post a Comment