Pages

Thursday, January 12, 2012

Kawalan ng baryang panukli ng mga tricycle driver sa Boracay, pinuna ng konseho


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Iba’t ibang sentimiyento ang baon ng mga konsehal sa unang sisyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ngayong 2012 na isinagawa kahapon araw ng Martes.

Una rito, suliranin ukol sa mga pakalat-kalat na mga vendors sa front beach ang suliranin sa isla na nakita ang mga SB, gayon din bigat ng trapiko at suliranin ukol sa mga tricycle na isinatinig ni SB Member Dante Pagsugiron.

Pinuna din ng konseho ang suliranin ukol sa obserbasyon nila sa trabaho at kapasidad ng bagong mga miyembro ng Municipal Auxiliary Police o MAP.

Mula sa planong pagpapatupad ng color coding sa mga tricycle sa Boracay, lalo pa at nasa ordinansa naman ito at ngayon palang ipapatupad.

Nakita at nababahala na rin ngayon ang konseho sa mahabang pila ng mga tricycle na nagpapasikip sa kalsada na tumatakbo sa mainroad na wala naman pasahero ang iba ayon kay SB Member Rowen Agguire, kaya nais na ng lokal na mambabatas na ipatupad na ito.

Hindi rin pinalampas ng konseho ang obserbasyon nila hingil sa mga tricycle driver sa Boracay.

Una rito ay ang kawalan di umanong barya na dapat ay inihahanda agad ng mga tricycle driver para panukli sa mga pasahero.

Kung saan ang bagay na inaasahan nila na sa bawat pasada ay may nakahandang barya ng sa ganon ay hindi maantala ang mga pasahero at maka-abala sa kapwa driver na minsan ang nangyayari  ay paparahan pa sa gitna ng kalye upang magpabarya, ayon kay SB Esel Flores.

Aniya kung kina-kailangang magdala ang mga driver ng timba-timbang barya mas mainaman sana.

Dahil dito, hiling ng konseho sana ikunsidera din ng mga operator ng ganitong obserbasyon, bagay na ipapa-abot umano nila sa mga operator ang ukol dito.

No comments:

Post a Comment