Pages

Wednesday, January 11, 2012

P600.00 na Garbage Fee ng Balabag, inalmahan ng SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Halos karamihan sa mga miyembro ng konseho ay nagtataka kung bakit nangungulekta ng Garbage Fee na P600.00 ang Barangay Balabag.

Ito ay kasunod ng natanggap umano nilang mga katanungan mula sa ilang indibidwal, lalo pa ngayon panahon nanaman ng pagkuha ng Barangay Clearance.

Dahil dito ay naging intresado ang konseho na alamin kung bakit naninigil pa ng garbage fee ang Balabag gayong ang lokal na pamahalaan naman ay may subsidiya o tulong na ibinibigay para sa gastusin sa pangungulekta ng basura.

Maliban dito, ang LGU Malay din umano ang nangungulekta na ng katulad na bayarin dito sa isla ng Boracay.

Dahil dito nagpahayag ng iba’t ibang reaksiyon ang ilang konsehal kung para saan pa ang babayaran at ano ang legal na basihan ng paniningil ng naturang Barangay.

Kaugnay nito, para mabigyan ng sagot, ipapatawag ng konseho sa Martes, Enero 16, ang Punong Barangay ng Balabag para tunungin ukol sa bagay na ito.

Samantala, sa panayam kay SB Member Rowen Aguirre, Chairman ng Committee on Laws and Ordinances, sinabi nito na hindi niya diretsong masagot ang mga bagay ukol sa usaping ito, gayong hindi niya alam ang legal ng basehan.

Subalit kung nakasaad naman umano ito sa Revenue Ordinance ng Barangay na ipinasa sa Konseho, magkakaroon ng karapatan ang Brgy para gawin ito.

Ngunit kung wala, hindi aniya pwedeng mangulekta ang Balabag ng P600.00.

Ayon pa sa konsehal ang ganitong usapin kapag nasa Revenue Ordinance kailangan itong idaan sa pagreview ng SB, pero wala aniya itong natatandaang mayroong napaloob doon.

Samantala, sakaling mapatunayan na walang basehan ang paniningil ng P600.00 Garbage Fee ng Balabag, maaari umanong masampahan ng kaso ang opisyal ng barangay.

Sa katulad na usapin, naniniwala ng ilang konseho na karagdagang pahirap ito sa publiko lalo na sa taga Brgy. Balabag, kung saan ayon kay SB Member Dante Pagsugiron tila hindi ito makatarungan dahil double na ang babayaran ng mamamayan.

Maliban sa Punong Barangay ng Balabag, ipapatawag din ang Punong Barangay ng Manoc-manoc, Yapak at Caticlan dahil kinuwestiyon din ng konseho ang proposisyong I.D System, dahil sa hindi klaro sa konseho kung ano ang legal na basehan sa pagpapasa ng nasabing ordinansa lalo pa at walang approval ang SB para ipatupad ito.

Dahil dito, nais ng konseho na sila mismo ang magpa-abot sa mga Punong Barangay na ito, kaugnay sa kanilang nakitang problema sa mga ordinansang ipinaabot sa konseho.

No comments:

Post a Comment