Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hiniling ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na kung maaari ay isa-ilalim sa pagsasanay ang mga bagong miyembro ng Municipal Auxiliary Police o MAP sa Boracay.
Ito ang kahilingang ipina-abot ni SB Member Rowen Aguirre sa Konseho sa kabila nang nabatid nito na dumami na ang miyembro ng MAP sa isla at umabot na ng mahigit pitumpu, subalit tila hindi ito kumbinsido sa kapasidad ng mga bagong miyembro.
Ayon kay Aguirre, kaniyang ginawa ang naturang suhestiyon dahil sa obserbasyon nito na tila ang ilang MAP ay nakatayo lang at parang hindi alam kung ano ang gagawin, sapagkat kulang din sa kaalaman pagdating sa mga ordinansa na dapat ipatupad.
Naniniwala kasi ang konsehal na hindi lamang dahil sa marami ang MAP sa isla ay maipapatupad na ang mga ordinansa kundi, mas mainam pa rin ayon dito kung may sapat na kaalaman ang mga ito ng sa ganon ay maging epektibo din ang mga ito sa kanilang trabaho.
No comments:
Post a Comment