Pages

Tuesday, January 10, 2012

CCTV Camera sa Caticlan Jetty Port, hindi pa nagagalaw

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bagama’t sinabi ni Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang nitong nagdaang linggo na ililipat ng lalagyan ang mga CCTV Camera sa loob ng terminal ng pantalan sa tulong ng supplier, pero sa ngayon ay hindi pa ito nagagalaw.

Dahil dito, nilinaw ni Engr. Jessie Legaspi ng Caticlan Jetty Port na hindi na ito ililipat, sa halip ay dadagdagn ang bilang ng mga naka-install ng mas high tech pa, para klaro ang footage at makayang kunan ng mga kamera lalo ang yaong nakatutok sa mga lugar na dapat bantayan talaga.

Kung saan sa ngayon, naibigay na rin aniya nila ang plano kung saan ilalagay ang mga karagdagang CCTV camera para makita ang lahat ng angulo sa loob ng terminal.

Nabatid na sa kasalukuyang terminal, tatlong kamera pa ang ilalagay nila, at walo naman para sa bagong terminal.

Samantala, inihayag naman ni Marz Bernabe, Technical Staff sa nasabing pantalan, na hanggang sa ngayon ay hindi pa natukoy ang salarin at may kagagawan ng pagbitbit sa “pouch” ng  isang turista  na naglalaman ng mahahalagang bagay, na siyang pinapaniwalaan na isang “ladyboy” na suspek.

Gayon pa man may mga aksiyon pa ngayong ginagawa ang administrayon ng jetty port at mga pulis para sa pagkakakilanlan sa salarin. 

No comments:

Post a Comment