Pages

Tuesday, January 31, 2012

Lugar na pinangyarihan ng land slide, pag-aaralan ng CENRO

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa nangyaring pag-guho ng bundok kahapon sa Sitio Tulingon Barangay Libertad sa bayan ng Nabas na nagresulta sa pagka stranded ng libo-libong pasahero at pagka-delay ng mga turista lalo na sa pauwi na sa Maynila mula sa Boracay at naghahabol sa kani-kanilang flights.

Inaasahang bubuo ng rekomendasyon mula sa pangyayaring ito ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at CENRO office ng Nabas.

Bagay na pag-aaralan di umano nila ayon kay Merlita Ninang CENRO Officer ng Nabas at Boracay ang mapa ng GEO Hazard Area sa land slide partikular sa nasabing bayan.

Bagamat kinumpirma nito na mayroon talaga silang nakita area sa nasabing bayan na hindi ligtas sa land slide.

Pero sa pagkaka-alam aniya nito ay hindi sa area ng Tulingon, ganon paman, pag-aaralan aniya nila ang mapa saka sila gumawa ng rekomendasyon.

Sakali naman maideklarang delikado para sa land slide ang nabangit na lugar ayon kay Ninang, ang magagawa aniya nila ay magrekomenda na ilikas ang mga naninirahan sa lugar na iyon.

Subalit dahil sa tabing kalsada at National Highway pa ang area na ito, masuri umano nilang pag-aaralan ang bagay na ito kung ano ang nakakabuti.

No comments:

Post a Comment