Pages

Tuesday, January 31, 2012

Libo libong pasahero at turista, stranded dahil sa Land Slide sa Nabas

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Stranded ang libo-libong pasahero lalo na ang mga turista pabalik ng Maynila at papuntang Boracay dahil sa land slide o pag-guho ng lupa at bato mula sa bundok sa Sitio Tulingon Barangay Libertad sa bayan ng Nabas.

Dahil dito, natabunan ang high way na tanging daan papunta sa bayan ng Kalibo mula sa Caticlan, rason para mag-alburuto ang mga pasahero.

Ayon kay SP04 Crispin Calzado ng Nabas Pulis, halos sampung metro o kasin taas ng isang bus ang ang kapal lupang tumabon sa kalsada mula sa bumigay ng bundok sa tabi ng daang ito.

Mahigit kumulang dalawangput lima hanggang tatlongpung metro ang haba ng kalsadang natabunan ng lupa kaya hindi maka-diritso ang mga sasakyan.

Dagdag pa dito, pahirapan din ang pagtanggal sa mga lupang tumabon sapagkat maging pati mga punong kahoy ay nadala din sa pag guho ng lupa.

Dahil dito, para makahabol lamang sa mga flights ang mga turista mula sa Boracay, kahit maputik at mahirap ang sitwasyon, kaniya-kaniyang akyat sa gumuhon lupa ang mga turistang ito, lamang makatawid sa kabilang bahagi ng kalsada at makasampa sa ibang sasakyan papunta sa bayan ng Kalibo.

Samantala kung ang mga turistang ito ay nag-aalburuto sa naranasang sitwasyon, tila nakita naman ng opurtunidad ang ilang residente sa nasabing lugar sapagkat nag-mistulang porter at napagkakakitaan ito ng mga taga doon, na siyang nagbubuhat ng mga bagahe ng mga turistang ito.

Tulong-tulong naman ang Baranggay at lokal na pamahalaan ng Nabas sa pagtanggal sa lupang gumuho, samantala ang mga  Pulis mula sa bayan ng Nabas, Public Safety Company at High Way Patrol ay naroon din para alalayan ang mga pasahero.

Pero kinulang parin ang bilang ng mga ito para mailipat lahat ng mga pasahero sa kabilang bahagi ng kalsada.

Wala namang nai-ulat na nasugatan o nasawi dala ng pangyayari, maliban sa epektong hatid nito sa mga pasahero.

Pinapaniwalaang bumigay ang bundok dahil sa ulan na naranasan hanggang nitong umaga kaya lumabot ang lupa at bumigay ang bundok nitong tangahali.

Bandang alas singko na ng hapos natapos ang pagtanggal sa tumabong lupa at bato mula sa bundok at naka-usad ang mga na stranded na sasakyan dito.

No comments:

Post a Comment