Pages

Saturday, January 14, 2012

LGU Malay, hindi pa gumagalaw laban sa mga kolorum na tricycle sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ang Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) na mismo ang nagtataka kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pang ginagawang aksiyong ng local na pamahalaan ng Malay laban sa mga kolurom na tricycle sa isla.

Ito ay sa kabila ng ilang beses na rin umanong ipinaabot sa mga pulong na ipinatatawag ng LGU at maging sa Sangguniang Bayan, pero hanggang sa ngayon ay tila ganoon parin.

Kung saan, ayon kay BLTMPC Board Chairman Ryan Tubi, ang nais lang sana nila ay masugpo o mahuli na ang mga hindi rehistradong tricycle na ito sa isla.

Aniya, ang diskarte ng mga kulurom na sasakyang ito sa Boracay, ay gagayahin din ang kulay ng mga unit dito kaya mahirap matukoy ang mga hindi rehistrado sa legal na tricycle na pumapasada dito.

Pero, makikila umano ang mga kulurom na ito dahil, ang tricycle na walang plaka mula sa LGU Malay at nakasabit na Mayors Permit, gayon din walang sticker na nakadikit sa harap na bahagi ng unit mula sa BLTMPC ay klarong kolurum na kailangan nang hulihin.

Samantala, batay sa isiniwalat ni Tubi, nabatid mula dito na sa kasalukuyan mahigit dalawangpu ang mga kolurom na tricycle sa Boracay, kung saan limang daan at labing isa naman ang rehistrado sa BLTMPC.

No comments:

Post a Comment