Pages

Saturday, January 14, 2012

BLTMPC, pinahuhuli ang mga lumalabag sa batas trapiko sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mahigpit na pagpapatupad sa batas sa trapiko ang hamon ngayong ng Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) sa taga pagpatupad ng ordinansa sa isla para hindi mamihasa ang mga driver at matoto na ring sumunod ang mga ito.

Ito ay dahil sa bahagi ng BLTMPC, hindi naman umano sila nagkulang sa pagpaalala sa mga driver na sundin ang batas trapiko ay dumadaan naman ang mga ito sa seminar sa kooperatiba ayon kay BLTMPC Board Chairman Ryan Tubi.

Maliban dito, ang mga driver sa isla ay dumaan na rin aniya ng seminar sa Land Transportation Office o LTO bago bigyan ng lisensiya kaya kung hindi man sumusunod sa batas, naniniwala si Tubi na ang mga indibidwal na ito ang may problema.

Dahil dito, hamon ngayong ng kooperatiba na para mabigyan ng liksiyon, ang mga makikitang lumabag sa batas trapiko, lalo na yaong hindi marunong rumespito sa mga sinage na ipinakalat sa kalye sa isla ay agad hulihin para hindi na mamisaha pa.

Naniniwala si Tubi na basta driver, likas sa mga ito na kapag makakita ng malulusutan nagpapalusot parin ang mga ito.

Ang panayam at pahayag na ito kay Ryan Tubi ng BLTMPC ay ginawa kasunod ng naging sintemeyento ni SB Member Jupiter Gallenero, na tila hindi na nirirespito pa ang mga sign Board sa kalye na kung saan nakalatag ang batas trapiko katulad ng loading at unloading area, gayong ang mga signage na ito ay ginastusan umano ng LGU Malay pero isinasawalang bahala lamang ng mga drivers sa Boracay.

No comments:

Post a Comment