Pages

Wednesday, August 31, 2011

BFI, walang planong mag-withdraw sa kaso; kompromiso, posible pang mangyari


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Aminado ngayon si Loubell Cann, dating pangulo at kasalukuyang miyembro ng Board of Trustees ng Boracay Foundation Incorporated (BFI), na humiling si Aklan Governor Carlito S. Marquez sa nasabing organisasyon na i-atras ang kaso na isinampa na may kaugnayan sa reklamasyon sa Caticlan.

Subalit mariin nitong sinabi na walang plano ang BFI na pagbigyan ang kahilingan ng gobernador, batay umano sa napagpasayahan ng mga kanilang mga miyembro.

Paliwanag ni Cann, nasa Supreme Court na ang kaso kaya itutuloy nila ito, lalo pa at nalalapit na lang ang oral arguments.

Pero sinabi nito na hindi imposible na pumasok sila sa isang kompromiso na ilalatag ng probinsya sa kanila.

Ngunit nilinaw niya na sa bagay na ito ay napakahirap umanong gumawa ng desisyon.

Sa kabila ng pahayag ni Cann, sinabi ng huli na ipapaubaya na lang nial sa korte ang pagdedesisyon sa nasabing kaso.

Samantala, ang hinggil sa kompromiso umanong papasukin nila kung sakali man ay pag-uusapan pa kasama ng kanilang abogado kung anu-ano ang mga bagay na maari isama sa kanilang kasunduan ng probinsya.

Dahil kahit sila ay hindi rin umano sigurado kung pahihintulutan ito ng korte.

No comments:

Post a Comment