Pages

Thursday, April 21, 2011

Senior Chief Napoles ng Caticlan Coast Guard, sobrang defensive?


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Matapos magtaray ni Senior Chief PT Officer Ramonito Napoles ng Caticlan Coast Guard, naisatinig din nito at nilinaw na hindi na nila sinisilip pa ang mga bagahe at laman ng bus tuwing bumababa sa jetty port, pero ang pasakay aniya ay siyang sinisiguro nila.

Inihayag din nito na marami silang nagbabantay sa Caticlan Jetty Port katulad ng Pulis, Maritime at Army.

Subalit, ang nakakagulat dito, sa gitna ng pagpapaliwanag ni Napoles ay kinumpronta nito ang nag-iinterview, gayong siya lamang ang nakaisip na inaakusahan siya sa kabila ng maayos na pagtatanong at naisip nito na dinidirekta umano siya, na animo ay iisang ahensya lamang ang tinitumbok at nasisi ngayon dahil sa nagyari, pero hindi naman nabanggit na sila ang nababato ng sisi at wala naman nababangit na sinisi sila at sa halip ay hinihingan lamang ito ng opinyon.

Dahil din sa sobrang pagka-depensive ni Napoles, nagsasalita na ito na hindi pa tapos ang tanong, bagay na hindi nito nakuha kung ano ang buod ng tanong sa kanya.

Naisatinig din nito na inakala niyang pinagbibintangan sila na wala silang ginagawa kaya nakalusot ang droga, na ang totoo ay hindi naman ito kahit minsan man lang napasama sa mga itinanong sa kanya ng kapanayamin ito.

Dagdag pa dito, parang ayaw din nitong magpaawat sa kakasagot gayong ang sagot nito ay malayo naman sa mga itinatanong sa kanya at kinailangan pa itong paliwanagan para lubos nitong maunawaan ang mga taong.

Tila nagmamatigas pa ito habang ipinagpapatuloy pa rin ang kanyang paniniwala na hindi maintindihan kung bakit nasabi nito ang mga salita na iyon.

Samantala ng nahimasmasan ito at nalinawan, bigla ding nabago ang mood nito pero ipinipilit pa rin ang ilang bagay katulad ng pagkaka-intercept daw ng droga sa kabila ng paglilinaw dito.

No comments:

Post a Comment