Pages

Thursday, April 21, 2011

Asst. Commander ng Caticlan Coast Guard, napikon nang tanungin sa pagkakalusot ng shabu


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Tila mainit ang ulo ni Senior Chief PT Officer Ramonito Napoles, Assistant Commander ng Caticlan Coast Guard, ng makapanayam ito ng Yes FM News Center Boracay noong Martes, ika-labinsiyam ng Abril.

Ito ay kaugnay sa pagkakalusot ng mahigit labing pitong gramo ng shabu mula Manila na isininggit sa bagahe ng isang pasahero sa RO-RO kung saan pagdating na sa bayan Tangalan ay doon pa ito itinurn over sa pulisya na hindi man lang napuna nang dumaan ito sa Batangas, Roxas Oriental at Caticlan Jetty Port.

Ipinaliwanag naman ng nasabing Coast Guard Officer ang mga dinadaanan ng bagahe bago pa man makarating sa Caticlan gayon din ang bus na sinasakyan ng pasahero.

Maliban dito ipinaliwanag at ipinagmamalaki din nito ang tungkol sa K9 ng Caticlan Coast Guard na siyang ginagamit nila para malaman kung may mga explosive at droga sa bagahe.

Ang nakakapag-taka lamang dito ay habang nasa kalagitnaan ng interview ay tila nabago ang takbo ng isip nito, kasabay ng pag-kuwestiyon sa impormasyon na nakarating sa himpilan kung totoo ba ang hinggil sa pagkakalusot ng droga.

Todo-depensa din ito na animo’y uminit ang ulo gayon hinihingan lamang ito ng pahayag kung bakit may mga pagkakataon na nakakalusot ang mga ganoong kargamento gayong may mga K9 naman na nadadaanan simula pa lang Batangas.

Sa halip na magbigay ito ng opinyon ay tila napikon si Napoles at mistulang nakapinid na ang tenga nang tangkaing paliwanagan at iginiit pa nito na hindi nagpapabaya ang Coast Guard.

Maliban dito, iginigiit din ng nasabing opisyal  na na-intercept ang droga sa kabila ng pagpapaliwanag dito na ibinigay ito ng isang babaeng pasahero sa Tangalan PNP, na kung iisipin ay tila hindi naiintindihan ng nasabing opisyal ang tanong.

Kaya lumabas na mistulang naka-kandado ang isip nito sa paniniwala niya, na sila ang sinisisi ng himpilang ito sa pagkakalusot ng droga gayong tinatanong lamang siya sa malinaw at maayos na paraan.

No comments:

Post a Comment