Pages

Tuesday, April 12, 2011

Magkapatid na Bebot Gelito-Gadon at SB Wilbec Gelito, hindi magkasundo sa casino

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Kung magkasundo ang Sangguniang Bayan ng Malay at BFI sa kanilang layunin laban sa reklamasyon, kalabiktaran naman ang kanilang paninindigan pagdating sa casino.

Ito ay dahil kusa nang nagbigay ang SB ng pahintulot at pag-e-endorso sa casino, habang ang BFI naman ay ayaw sa operasyon nito sa Boracay dahil sa maraming rason katulad ng isyung moralidad na umano’y makakasira sa isla at sa paniniwala na hindi kailangan ng Boracay ang casino kahit sabihing makakadagdag ito sa kita ng bayan o dagdag atraksyon, at mas naniniwala pa ang BFI na kailangan ng casino ang Boracay para kumita ang operasyon nito.

Kaugnay sa nasabing usapin, nabatid din na ang magkapatid na SB Wilbec Gelito at “Esther” Bebot Gelito-Gadon ay magkaiba rin ang paninindigan.

Ito ay matapos magkaroon ng pagpapalitan ng mga opinyon at nagpahayag ng paniniwala ang dalawa sa harap ng mga stakeholders sa assembly ng BFI nitong Sabado.

Tumayong tumatayong pabor sa casino si SB Gelito bilang pagsuporta nito sa pag-e-endorso sa operasyon nito.

Samantalang si Gadon naman ay mariin ang pagtutol sa ganitong uri ng aktibidad bilang represante ng mga Christian Church sa Boracay.

No comments:

Post a Comment