Pages

Tuesday, April 12, 2011

Casino, idinaan sa botohan

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Dahil sa kahilingan ng mga stakeholders sa isla na kinabibilangan ng BFI, todo suporta ang mga miyembro nito sa aksyong ginagawa ng mga opisyal hindi lamang sa usaping reklamasyon kundi pati na rin sa casino.

Ito ay makaraang bigyang pahintulot ng mga miyembro na ituloy ang kanilang kampanya na “No To Casino” na idinaan pa sa botohan ng mga Board of Directors (BOD), sapagka’t binigyan din ng pagkakataon na magpahayag ng kanilang karapatan ang mga regular na miyembro ng nasabing organsisasyon nitong ika-siyam ng Abril kasabay ng assembly ng BFI.

Nabatid din kay Lowel Talamisan na batay sa isinagawa nilang desisyon ng BOD, lumabas sa isinagawa nilang botohan na isa ang pumayag na magkaroon ng casino sa Boracay, dalawa ang nag-abstain at pito sa Board ang umayaw: patunay lamang na halos karamihan sa mga ito ay ayaw sa operasyopn ng casino maging junket man ito.

Pero iba naman ang pananaw dito ni Dr. Orlando Sacay sapagka’t sumang-ayon man ito subalit hindi rin ito naka-apekto sa pagbabago ng desiyon ng organisasyon dahil sa kahilingan ng karamihan.

No comments:

Post a Comment