Inna Carol Zambrona,
NEWS DEPARTMENT
Sumuko sa Tibiao PNP sa Antique ang suspek na
sumaksak-patay sa isang lalaki sa resto bar kahapon ng madaling araw sa Sitio
Bolabog, Balabag, Boracay Island.
Kinilala ang suspek na si Jestler Silvano y Palacios, 24
anyos ng Brgy. Malabor, Tibiao, Antique.
Sa blotter entry ng Malay PNP, habang isinasagawa ng
kapulisan ang hot pursuit operation ay
nakatanggap ang mga ito ng tawag alas-singko ng hapon ng Marso 3 na
boluntaryong sumuko na ang suspek.
Si Silvano ay tumakas matapos masaksak ang biktimang si
Jude Valen Castillo y Malijan, 24 anyos ng New Washington, Aklan habang
nag-iinuman sa isang bar kasama ang kaibigan na si Mark Gerald Telic.
Sa record ng Malay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa
Ciriaco Hospital na may isinugod doon na biktima ng pagsaksak.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na habang
nag-iinuman itong biktima kasama ang kaibigan at habang nasa kabilang mesa ang
grupo ng suspek ay bigla umanong nagka-initan ang biktima at ang kasama ng
suspek na si Henry Roberto.
Dahil sa naka-inom at armado ng kitchen knife si Silvano
ay sinaksak nito ang biktima na agad
isinugod sa ospital na kalauna’y idineklara na binawian ng buhay ng doktor na
sumuri.
Samantala, sa isinagawang follow-up investigation ng
kapulisan, matapos umanong dalhin ni Telic ang biktima sa ospital ay hinanap
nito ang mga suspek na sumaksak sa area at ng ma-tyempuahan nito malapit sa
Ernest Place sa Bolabog ay hinampas nito ng kahoy ang mga suspek.
Kaugnay nito ay inaresto rin ng kapulisan si Mark Gerald
Telic.
Sinundo naman ng Malay PNP ang suspek sa pananaksak na si
Silvano sa Tibiao PNP para harapin ang kanyang kaso.
ReplyDeleteIf you are looking for the Software Engineering Help assignment then in this case you can opt for our Economics Assignment Help.we provide the best Help with economics assignment.We also provide Public Economics Assignment Help for students across the globe. for more information contact us +16692714848.