Pages

Wednesday, July 17, 2019

Caticlan inilunsad ang “Basura mo, Palitan ko ng Bigas”

Posted July 16, 2019
Teresa Iguid & Inna Carol Zambrona - YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: text
(ctto)
Inilunsad ng Caticlan Barangay Council sa bayan ng Malay ang kakaibang programa na may temang "Basura mo, palitan ko ng Bigas".

Ang programa ay nag-aanyaya sa mga residente na dalhin ang kanilang mga basura tulad ng plastic sachets at plastic bottles sa “barter area” ng Caticlan Multi-Purpose Hall kapalit ng bigas.

Sa panayam kay Punong Baranagy at Malay Liga President Ralf Tolosa, ang inisyatibo na ito ay upang mabawasan ang mga kalat sa paligid at makatulong narin sa mamamayan ng Caticlan.

Aniya, katumbas ng isang kilong mga ginunting na plastic sachet at plastic bottles ay papalitan rin ng isang kilong bigas.

Dagdag pa nito, hanggang limang kilo lang ang ilalaan bawat pamilya upang maka-benepisyo din ang iba.

Ang palitan ay nakatakda mula Lunes hanggang Sabado na magtatagal hanggang buwan ng Disyembre.

Samantala, hinikayat nito ang mga Punong Barangay maging ang ibang bayan na magsagawa rin ng kahalintulad na proyekto na layunin na mapanatiling malinis ang komunidad at para makaiwas na rin sa sakit na “dengue”.

No comments:

Post a Comment