Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
(CTTO) |
Pumapasada na ang dalawang bagong PUV ng Boracay Land
Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) kapalit ng ilang lumang
multicab ng kooperatiba.
Ayon kay BLTMPC Vice Chairman Prodencio Vargas, itong
pagpapalit ng mga unit ay bahagi ng “Public Utility Vehicle Modernization”
program na ipinapatupad sa buong bansa ng DOTc, OTC, LTO, at LTFRB.
Aniya, nasa apatnapu’t isa (41) ang target nilang
ma-change unit bago mag 2020.
Maliban sa 23-seater na Euro-4 Minibus na ito ay titingin
din sila ng iba pang model na maaaring gamitin ng mga mananakay sa isla.
Sa ipinapatupad na programa ng national government, hindi
na ire-renew at bibigyan ng franchise ng LTFRB ang mga luma at ma-uusok na
public utility vehicle.
Maliban dito, inaasahan na kung fully implemented na ang
programa ay kailangan na mayroong ng aircon, wifi, GPS, CCTV ang mga
pampublikong sasakyan bago mag 2040 ayon sa Office of Transportation
Cooperatives.
Samantala, aasahan na unti-unti na ring mawawala o
i-phase out ang mga lumang traysikel sa Boracay dahil sa modernization program
na ito ng gobyerno nasyonal.
No comments:
Post a Comment