Pages

Tuesday, March 12, 2019

Kiteboarders, tutol sa dagdag na development sa Bolabog Area

Posted March 11, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, sky, ocean, tree, basketball court, cloud, outdoor and natureTutol ang Philippine Kiteboarding Association na lagyan pa ng karagdagang kalsada o anumang development ang area ng Bolabog Beach matapos ang Phase I ng Boracay Rehab.

Sa panayam kay  Ken Nacor, Vice President ng Philippine Kiteborading Association, hindi na umano kailangan na karagdagang development sa lugar dahil maliban sa maliit lang ang kumunidad ng Bolabog ay baka mabago ang imahe nito bilang kitesurfing at windsurfing destination.

Ani Nacor, kilala ngayon ang Bolabog Beach bilang top Kite Surfing destination sa Asya at pang-lima sa Europa.

Dahil hindi naman ito madalas paliguan ng mga turista dahil sa malakas na hangin tuwing amihan, sa paniniwala ni Nacor, ang Bolabog Beach ay para lang sa watersports kaya ang rekomendasyon nila ay i-preserve na lang ito.

Mas delikado rin daw sa mga kite boarders at wind surfers kung maglalagay pa doon ng bagong kalsada mula Bolabog Boulevard tagos sa Ati Village area.

Nabatid na nakipagpulong ang Kiteboarding Association at iba pang watersports operators sa Boracay Inter- Agency Management Group para sa kahilingang ito.

Samantala, ayon kay DENR Usec. Sherwin Rigor ay ipi-presenta nila ito at pag-aaralan bago simulan ang road extension sa lugar.

No comments:

Post a Comment