Pages

Tuesday, February 05, 2019

Phase-II ng Boracay Road Rehabilitation, sisimulan na


Posted February 4, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, sky and outdoor“Inaantay na lang kung sino ang mananalong contractor sa ginagawang bidding process at itutuloy na ang road rehab.”

Ito ang kinumpirma ni Al Orolfo, Deputy Ground Commander ng Boracay Inter-Agency Task Force sa panayam sa kanya nitong Sabado.

Aniya, sa meeting na isinagawa ng Boracay Inter Agency Task Group ay pinag-usapan at nakalatag na ang susunod na mga hakbang para maipagpatuloy ang 20-kilometer road rehabilitation hanggang sa taong 2020.

Ang Phase II na may budget na P 300-Million ay posibleng maumpisahan sa buwan ng Marso o Abril.

Sakop nito ang road rehabilitation magmula sa Elizalde Compound hanggang City Mall at Crossing Rotunda hanggang Tambisaan Port.

Kaugnay nito, tinatapos nalang ng DPWH natitirang trabaho sa Phase-I tulad ng mga sidewalks, paving blocks at manhole covers para makumpleto na ito at magagamit na ng publiko.

No comments:

Post a Comment