Pages

Saturday, February 16, 2019

MENRO-MALAY, binalaan ang publiko sa nakitang Blue Bottle Jellyfish sa Boracay


Posted February 14, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people and textBinalaan ngayon ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)-Malay ang publiko lalo na ang mga nagbabakasyon na maging maingat sa namataang isang uri ng dikya o salabay sa baybayin ng Puka Beach sa Yapak.
Ang dikya na napadpad sa nabanggit na lugar ay isang “Blue Bottle Jellyfish” na ayon sa MENRO ay makamandag at delikadong hawakan.

Sa inilabas na advisory ng MDRRMO Malay, dahil sa “venomous” itong blue bottle jellyfish, ay maaaring pumatay ng ibang isda at posibleng makapinsla rin sa tao kahit na wala umano ito sa tubig.

Samantala, paalala ng MENRO-Malay na kung may napansing blue bottle jellyfish ay huwag itong hawakan bagkus ay ipaalam ito sa mga nagbabantay na Life Guards sa lugar.

No comments:

Post a Comment