Inna Carol
Zambrona, Yes The Best NEWS DEPARTMENT
Hindi inaalis ng Philipinne Coast Guard ang posibilidad
na magka-oil spill matapos lumubog ang cargo vessel na LCT Bato Twin sa ng Sambiray, Malay noong Linggo ng umaga.
Magkaganunpaman, ayon kay PCG-Aklan Lt. Commander Joe
Luviz Mercurio ay naglatag na sila ng limang segment ng oil spill boom para
maiwasang anurin ang langis sakaling tumagas ito mula sa lumubog na barge.
Nasa tatlong drum umano ng langis ang karga ng barge at
sakaling tumagas ito ay kaya naman itong i-contain para hindi umabot sa
dalampasigan ng Boracay.
(c) PCG |
Dagdag pa ni Mercurio, sinisid nila ito kahapon para
isara ang valve ng barko na sa ayon sa huli ay nakatagilid at nasa 10-15 meters
ang lalim ng pinaglubogan nito.
Pinayuhan na rin ng PCG ang Island Ventures na may ari ng
barge na makipag-ugnayan sa Boracay Maritime Group para sa “emergency salvage”
para mahatak ito agad sa dalampasigan.
Samantala, nasa mabuting kalagayan na ngayon ang labing
dalawang crew na lulan ng barge na nagsitalunan bago tuluyang lumubog.
May kargang buhangin ang naturang barge na i-de-deliver
sana sa isla subalit tumaob umano ito dahil sa malakas na alon.
No comments:
Post a Comment